50 Years Contract with SM?

PDF Print E-mail

50 Years Contract with SM?

 

 

 

 

IMG 3725

 

ANG MGA PANGYAYARI:


    Taong January 2006, nagkaroon ng kasunduan ang bayan ng Rosales at Hausland Development Corporation, para ipatayo ang Carmen Rosales Transport Terminal at ayon sa Memorandum of Agreement o kontrata, ito ay may bisa na dalawampung (20) taon at pwede itong irenew o dagdagan ng sampung (10) taon pagkalipas ng 20 taon, at ang income o kita sa Central Terminal ay paghahatian ng Hausland at bayan ng Rosales sa sharing na 70-30, 70% sa hausland at 30% sa bayan ng Rosales.


    Sa kadahilanang hindi maganda ang naging takbo ng Central Terminal sa pangangalaga ng Hausland na kung saan maraming sektor ang apektado, ang “Operational Rights” ng Hausland ay binili ng SM noong April 2011. Sa kadahilanang nabili ng SM ang “ Rights” sa Hausland, gusto ng SM na palitan ang pangalan ng Carmen Rosales Central Transport Terminal, pero dapat ito ay sang-ayunan ng bayan ng Rosales sa pamamagitan ng Resolution o Ordinansa.


    Noong September 14, 2011, sumulat si Engr. Bien Mateo, Vice President Mall Operation ng SM kay Vice Mayor Dominador Estrella Pajela, nakikiusap na ipasa na ang kaukulang resolution para umusad na ang SM Rosales Transport Terminal dahil ito ay naantala na ng ilang buwan. Habang ang kaukulang Resolution ay nabinbin, may napabalita na ang bawat myembro ng Sangguniang Bayan ay humihingi daw ng Five Hundred Thousand pesos (P500,000.00) bilang pabuya para ang kaukulang Resolution ay kanilang ipasa.


    Noong October 27, 2011 ang Ordinance no. 10-2011 “ An Ordinance Establishing The SM Rosales Transport Terminal and Providing its Systems of Operation ay ipinasa ng Sangguniang Bayan na kung saan sina KGD. SUSAN CASARENO, ANTONIO MUYA, ROMEO SIM, MARK ANTHONY YU, ENRIQUE COSUE, JIMLO OLEGARIO, HARRY BERNABE, NARDA DOMINGUEZ AT VICE- MAYOR PAJELA ay pumirma sa nasabing Resolution, pero nakapaloob dito sa Ordinance Section 9, Article VII Special Provisions, “Binigyan ng Sangguniang Bayan ng Fifty (50) years ang SM para patakbuhin ang nasabing terminal.


     Ito ay napansin ni Mayor Ricardo Revita na talo ang bayan dito dahil hindi nasunod yong orihinal na kontrata na kung saan dapat yung “ Unexpired Portion lang  ng 20 years ang dapat ibigay sa SM dahil ito ay “Transfer of Rights” lang kaya ito ay kanyang ipinaalam sa Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng sulat noong November 8, 2011 na hindi siya sumasang ayon o pumirma sa nasabing ordinansa o ito ay tinatawag nila na “ Veto” power ng Mayor. Pero sa sagot na sulat ni Vice Mayor Pajela kay Mayor Revita, sinasabi na nagkaisa ang Sangguniang Bayan na hindi sinang-ayunan ang observation o Veto power ni Mayor Revita at kanilang itinuloy ang pagbibigay ang Fifty (50) years sa SM para mag operate ng Central Parking sa 70%- 30% sharing.


ANG TANONG:


1.    Bakit ibinigay ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Pajela ang oportunidad sa SM, na pwede sanang mapunta sa bayan ng Rosales pagkalipas ng unexpired portion ng original contract na 20 years?


2.    May katotohanan kaya yong napa balita na komisyon ng Five Hundred Thousand Pesos (P500,000.00) bawat kagawad para maipasa ang nasabing ordinansa at kapalit ng 50 taon para sa SM?


3.    Paano kung pagkalipas ng 20 taon at gumanda ang ekonomiya ng Rosales at kaya na nitong magsarili para magpatayo ng Central Parking para lahat ng kita ay mapunta sa bayan, pero nakatali naman tayo sa ordinansa na 50 taon?


4.    Ito ba ang klase ng mga Politiko ng ating bayan na  ibinoto natin para ipagkatiwala at pangalagaan ang kapakanan ng ating bayan?


5.    Sa inyong pananaw kaibigan, ibenenta ba ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ang interest ng Bayan?

 

video


2010 IBTOR Challenge


Horseback Riding

top